Tulong para sa Mga Pasyenteng Bayaran ang Mga Gastos sa Pagpapagamot sa Ospital

Kung hindi mo kayang bayaran ang kabuuan o bahagi ng iyong pagpapagamot sa aming ospital, maaari kang makakuha ng libreo mas murang

PAKITANDAAN:

  1. Ginagamot namin ang lahat ng pasyenteng nangangailangan ng kagyat na pangangalaga, anuman ang kaya nilang bayaran.
  2. Ang mga serbisyong ibinibigay ng mga doktor o iba pang tagapagbigay ng serbisyo ay maaaring hindi sakop ng Patakaran sa Tulong na Pangpinansya ng ospital. Maaari mong tawagan ang 410-821-4140 or 877-632-4909 (toll free), or CBOService@umm.edu kung mayroon kang mga katanungan.

PAANO GUMAGANA ANG PROSESO:

Kapag ikaw ay naging pasyente, tatanungin ka namin kung mayroon kang anumang insurance ng kalusugan. Hindi ka namin sisingilin nang higit pa sa mga taong mayroong insurance sa kalusugan para sa mga serbisyo ng ospital. Ang ospital ay:

  1. Magbibigay sa iyo ng impormasyon hinggil sa aming patakaran sa tulong na pangpinansya o
  2. Mag-aalok sa iyo ng tulong kasama ang isang tagapayo na tutulong sa iyo sa aplikasyon.

PAANO NAMIN SINUSURI ANG IYONG APLIKASYON:

Titingnan ng ospital ang iyong kakayahang magbayad para sa pangangalaga. Titingnan namin ang laki at kita ng iyong pamilya. Maaari kang makatanggap ng libre o mas murang pangangalaga kung:

  1. Ang iyong kita o kabuuang kita ng iyong pamilya ay mababa sa lugar kung saan kayo nakatira, o
  2. Ang iyong kita ay mas mababa sa pederal na lebel ng kahirapan kung kinailangan mong magbayad para sa kabuuang halaga ng iyong pagpapagamot sa ospital, matapos ibawas ang anumang pagbabayad ng insurance sa kalusugan.

PAKITANDAAN: Kung makakakuha ka ng tulong na pangpinansya, sasabihin namin sa iyo kung magkano ang iyong maaaring makuha. Kung hindi ka makakakuha ng tulong na pangpinansya, sasabihin namin sa iyo kung bakit.

PAANO MAG-APPLY PARA SA TULONG NA PANGPINANSYA:

  1. Sagutan ang isang Form ng Aplikasyon para sa Tulong na Pangpinansya.
  2. Ibigay sa amin ang lahat ng iyong impormasyon upang tulungan kaming maunawaan ang iyong kalagayang pangpinansya.
  3. Ibigay sa amin ang Form ng Aplikasyon.

PAKITANDAAN: Kailangang salain ng ospital ang mga pasyente para sa Medicaid bago magbigay ng tulong na pangpinansya.

IBA PANG MAHALAGANG IMPORMASYON:

  1. Maaari kang makakuha ng libreng kopya ng aming Patakaran at Form ng Aplikasyon para sa Tulong na Pangpinansya:
    • Nang personal sa Departamento ng Tulong na Pangpinansya – University of Maryland Medical System 11311 McCormick Road Ste 230 Hunt Valley MD 21031
    • Sa pamamagitan ng koreo: tawagan ang 410-821-4140 or 877-632-4909 (toll free) upang humingi ng kopya
  2. Maaari mong tawagan ang Departamento ng Tulong na Pangpinansya kung mayroon kang mga katanungan o kailangan mo ng tulong sa pag-a-apply. Maaari ka ring tumawag kung kailangan mo ng tulong sa ibang wika. Tawagan: 410-821-4140 or 877-632-4909 (toll free), or CBOService@umm.edu